GMA Logo Rhian Ramos
What's on TV

Rhian Ramos, trending dahil sa intense scenes sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published August 31, 2023 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Pinag-usapan ang intense scenes ni Rhian Ramos sa #RBRoyalScandal.

Muling nakatanggap ng papuri si Rhian Ramos mula sa manonood ng hit murder mystery series na Royal Blood.

Sa episode 53 ng Royal Blood na napanood kagabi, August 30, nalaman na ni Margaret (Rhian) ang pagtataksil sa kanya ng asawang si Andrew (Dion Ignacio) at ng kapatid na si Beatrice (Lianne Valentin).

Maraming manonood ang humanga sa mahusay na pagkaka-deliver ng aktres sa kanyang mga eksena, lalo na sa emosyong ibinigay nito nang kumprontahin na sina Beatrice at Andrew kung saan, ani ng netizens, naramdaman nila kay Margaret ang galit at sakit.

Agad na nag-trend sa Twitter Philippines ang pangalan ni "Rhian Ramos" at ang karakter nitong si "Margaret." Nag-trend din ang hashtag ng episode 53 na "RBRoyalScandal" at pangalan nina "Beatrice" at "Kristoff" (Mikael Daez).

Bukod sa pinag-usapan online, humataw rin sa ratings ang episode ng ito ng Royal Blood na nakakuha ng 11.6 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Ngayong nabunyag na ang itinagong relasyon nina Beatrice at Andrew, paano kaya ito haharapin ni Margaret?

Patuloy na subaybayan ang kaabang-abang na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p..m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.