
"I need an adrenaline rush!"
Ito ang sinabi ni Rhian Ramos bago siya sumabak sa isang extreme adventure sa Amazing Earth.
Noong November 10, napanood si Rhian sa isang paramotor gliding adventure sa Tarlac.
Pero, bago siya makasakay rito, sumailalim muna sa orientation si Rhian sa licensed pilot na si Lesley "Captain Harley" Gomez. Kuwento pa ni Captain Harley, isa sa mga pinaka-safe sa aviation ang paramotor.
Tampok rin sa Amazing Earth ang kuwento ni Captain Harley bilang isang engineer sa Saudi, at pagbabalik niya sa Tarlac para buhayin ang turismo sa kanilang lugar.
Abangan ang iba pang mga kuwento at adventures sa Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.