GMA Logo Rica Peralejo and Paula Peralejo
Celebrity Life

Rica Peralejo, kalmadong sinagot ang netizen na sinabing gumawa raw siya ng 'demonic sign'

By Aedrianne Acar
Published April 28, 2024 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Rica Peralejo and Paula Peralejo


Rica Peralejo to netizen: “Ok lang kasi hindi naman demonic sign yan.”

Marami ang napakamot ng ulo sa komento ng isang netizen na gumawa raw ng “demonic sign” si Rica Peralejo sa video na i-pinost niya sa Instagram.

Makikita sa post ni Rica noong April 26 na ni-recreate nila ng kapatid na si Paula Peralejo ang throwback photo nila noong bata sila kung saan nilagyan ng “peace sign” ni Rica sa ulo si Paula.

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)

Pero isang netizen ang may kakaibang interpretasyon sa ginawa na ito ni Rica at nagsabing “Is it okay lang po ba maglagay ng demonic sign po like sungay sa kasama sa picture?”

Agad na may tugon ang former actress at ipinaliwanag na “ok lang kasi hindi naman demonic sign yan. Ikaw, okay ka lang ba?”

Kalmado rin ang reaksyon ni Paula sa sinabi ng netizen. Aniya, “Kasi ganun po yung pose nung bata kami. Ganun lang naman kasimple, di naman kailangang bigyan ng ibang meaning.”

Marami naman netizen ang nagtanggol kay Rica at sabi wala silang nakikitang mali sa post.

Hirit pa ng isa, “hirap pasayahin kaloka to c ate ghirl daming pino problema nakita pa ang PEACE SIGN”

RELATED CONTENT: CELEBRITY SIBLING GOALS