GMA Logo Rica Peralejo, Red Sternberg
Source: ricaperalejobonifacio/FB
Celebrity Life

Rica Peralejo, may mensahe para sa namayapang kaibigan na si Red Sternberg

By Kristian Eric Javier
Published August 5, 2025 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain expected in most parts of Luzon due to Amihan
12 injured after amusement ride collapses in Pangasinan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Rica Peralejo, Red Sternberg


Miss na miss na nina Rica Peralejo at ng kanilang 'T.G.I.S.' barkada ang co-star nilang si Red Sternberg.

May mensahe ang dating actress at bida ng '90s teen-oriented show na T.G.I.S. na si Rica Peralejo sa namayapa nilang kaibigan at co-star na si Red Sternberg.

Noong May 30 nang inanunsyo ng asawa ni Red na si Sandy na pumanaw na ang dating aktor, ilang araw bago ang ika-51 kaarawan nito.

Sulat ni Sandy sa Facebook, “My husband suddenly passed away the morning of Tuesday, May 27th. To those who knew him from his early acting days, he was 'Kiko,' but to our three kids and I, he was simply Daddy/Dada. Today would have been his 51st birthday.”

Kamakailan lang ay nagbigay-pugay ang ilang co-stars ni Red sa T.G.I.S. sa isang memorial service. Kabilang sa mga dumalo si Rica, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto, at maging si Direk Mark Reyes.

Nag-post kamakailan lang sa kanyiang Facebook account si Rica ng ilang litrato mula sa naganap na memorial service kamakailan lang. Kalakip ng mga litrato ay ang mensahe ng dating aktres kay Red, kung saan sinabi niyang hindi niya inaasahang muli silang magkikita ng dating co-star sa ganoong pagkakataon.

“Naka-side eye ka pa while I am talking about you, which is so you… Pero Kiko talagang hinintay ko lumabas ka sa likod nyan so you can tell us all 'Surprise! It's a prank!'” sulat ni Rica.

Pag-amin ng dating aktres ay nalulungkot siya dahil gusto niyang muling makilala ang kaibigan ngunit bilang asawa at ama ng kaniyang pamilya.

“You have such beautiful and wonderful girls, from Sandy to your daughters. And I got to talk to your boy about Roblox… Ikaw nalang talaga ang kulang,” sabi ni Rica.

Pag-amin ni Rica, may mga bagay talaga tungkol sa buhay na hindi maiintindihan. Ang tanging magagawa na lang talaga ng mga taong naiwan ay maghilom mula rito.

“Nevertheless, like what I was saying in the memorial, I am grateful that we got to love you and you got to love us in this lifetime… Goodnight, Red! Sleep well…,” pagtatapos ng dating aktres sa kaniyang post.

ALAMIN KUNG NASAAN NA NGAYON ANG CAST NG 'T.G.I.S.' SA GALLERY NA ITO: