GMA Logo Ricardo Cepeda, Marina Benipayo
Celebrity Life

Ricardo Cepeda, emosyonal na humarap sa press matapos ang 11 buwang pagkakakulong

By Kristian Eric Javier
Published September 24, 2024 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PUVs to benefit from Maharlika Highway repairs – LTFRB
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ricardo Cepeda, Marina Benipayo


Emosyonal si Ricardo Cepeda matapos makalaya at muling makasama ang pamilya 11 buwan matapos makulong.

Emosyonal ang aktor na si Ricardo Cepeda na humarap sa press kamakailan matapos makalaya mula sa piitan, 11 buwan matapos makulong.

Matatandaan na inaresto si Ricardo noong October 7,2023 matapos madawit sa kasong syndicated estafa sa Caloocan City. Nag-i-endorso lang noon ang aktor para sa isang sales company. Ang parehong kumpanya ay nag-aalok ng isang investment scheme na magbibigay ng malaking porsyento ng interest.

Ngunit nang tumalbog na ang mga tseke, nagsampa ang mga galit na investors sa mga taong tingin nila ay parte nito, kabilang na si Ricardo.

Sa panayam kay Ricardo ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, inamin ng aktor na hindi niya inasahan na tatagal ng ganito ang kaso.

“Akala ko talaga, it would be over once nakita nila, nabasa nila na 'Ah, hindi siya kasama.' I really thought, we thought mga two months lang baka tapos na 'to e. You try to be positive e,” sabi ni Ricardo.

Ayon sa aktor, naging sandigan niya ang pamilya at partner niyang si Marina Benipayo para makatagal sa piitan.

“Sabi ko nga, she's my hero na she was the one who was left behind and had to hold everything together. She really kept everything together na that's what helped me also inside, knowing that somebody is taking charge outside,” kuwento ni Ricardo.

Samantala, nitong Linggo ay nakasama na sa wakas ni Ricardo ang kaniyang mga anak sa unang pagkakataon matapos ang 11 buwan. Aniya, noong unang nagkita sila ng mga anak niya ay nag-iyakan sila.

“But it happened bigla. Sabi ko, my biggest issue, my worry is sila, how are they going to handle it, how are they going to handle people saying things about me, 'yung negativity they may hear,” ayon pa sa aktor.

Sa ngayon wala pang nakatakdang pagdinig sa pagpapatuloy sa kaso na kinakaharap ni Ricardo.

KILALANIN KUNG SINO NGA BA SI RICARDO CEPEDA SA GALLERY NA ITO: