GMA Logo Ricci Rivero and Leren Mae Bautista
What's on TV

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, may inamin kung paano nagsimula ang kanilang relasyon

By Jimboy Napoles
Published February 16, 2024 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ricci Rivero and Leren Mae Bautista


May inamin sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista tungkol sa kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

Inamin nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista na ang nag-viral nilang larawan sa isang feeding program noon ay ang naging simula rin ng kanilang pag-uusap.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, game na nakipagkuwentuhan ang controversial couple. Ito rin ang unang beses na napanood on screen ang beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren.

Dito inamin ni Leren na nagsimula silang mag-usap ni Ricci nang magdaos ito ng kanyang birthday sa pamamagitan ng isang feeding program sa kanilang lugar noong nakaraang taon.

Aniya, “Nag-start talaga Tito Boy during that feeding program, 'yun naman talaga. Doon ko rin siya nakita in person, nakausap din.”

Kuwento pa ni Leren, nasusupladuhan siya noon sa basketball player.

“Impression Tito Boy, 'yung tinanong mo sa 'kin talagang, 'Hmm ano ba'to?' At first parang, 'A, okay artista nga talaga, artista talaga siya. Sorry po sa ibang ano [artista] parang ano suplado,” ani Leren.

Ayon naman kay Ricci, hindi niya sinadyang maging suplado sa paningin ni Leren.

“Hindi Tito Boy. Alam niya kung anong reasons nun. Kilala niya naman na ako kung paano ako [kumilos],” paliwanag ni Ricci.

Aminado rin ang dalawa na nagkaroon sila ng small talks matapos ang naging feeding program na naging simula rin ng kanilang pagkakamabutihan.

Paglalahad ni Leren, “Feeling ko in a way Tito kasi 'yung pumunta siya do'n to help our community and to have a very meaningful birthday celebration para do'n sa mga bata and sa mga tao po sa Los Baños it was really different.

“Kasi hindi naman po lahat ganun 'yung ginagawa and ako naman po before, as a beauty queen, we do charity works din and natuwa lang din ako na mayroon silang heart to do that also and to bring back to the people and iba 'yung nagagawa nun sa pakiramdam ng tao.”

Pero paglilinaw ni Ricci, taliwas sa mga kumalat na balita noon, hindi raw nila plinano ni Leren ang naturang feeding program, sa katunayan ito umano ang unang beses na sila ay nagkita.

“Actually Tito Boy, hindi kaming dalawa ang nag-plan niyan. Ako, nagsabi lang ako do'n sa friend ko na kakilala dahil doon ako papunta sa kanila dahil galing ako sa Isabela that time and then sabi ko lang baka may kakila siyang puwedeng mag-organize ganun.

“Yearly ginagawa ko talaga siya before especially before the pandemic and the whole pandemic naman nag-try kami to help and give,” ani Ricci.

Dagdag pa niya, “Doon lang siya talaga Tito Boy, hindi talaga namin planned. Hindi kami magkakilala before that, doon lang din kami nag-meet.”

Noong October 21, 2023 kinumpirma ni Ricci sa isang Instagram post na "in a relationship" na sila ni Leren.