GMA Logo ricci rivero and andrea brillantes
What's on TV

Ricci Rivero, inaming nagtalo sila ni Andrea Brillantes dahil sa babae bago maghiwalay

By Jimboy Napoles
Published June 27, 2023 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

ricci rivero and andrea brillantes


Sa pagbasag ng katahimikan ni Ricci Rivero, ikinuwento niya ang mga nangyari bago ang hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.

Inamin ng celebrity basketball player na si Ricci Rivero na nakatatanggap din ng bashing ang kaniyang pamilya kasunod ng naging hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.

Dahil dito, matapang na sumalang si Ricci sa isang one-on-one interview kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Aniya, “First of all Tito Boy, ito 'yung main reason kung bakit po ako mag-speak-up It's because of my family kasi kung ako lang Tito Boy, wala naman pong problema sa akin e, 'di ba? Sanay naman po ako na maraming ginagawang kuwento [tungkol sa akin], maraming accusations and everything, kung ako, kaya ko namang tanggapin e, kasi alam ko namang hindi totoo. Pero kapag sa family ko, siguro it's time for me to step-up and kailangan ko po silang protektahan dito sa mga issues na ganito.”

Dagdag pa niya, “So 'yung akin Tito Boy, kung ako okay lang pero 'wag naman 'yung pamilya ko.”

Matapos ito, ibinahagi na ni Ricci ang ilang detalye sa naging breakup nila ng ex-girlfriend na si Andrea.

Aniya, Abril pa lamang ngayong taon nang magdesisyon sila ng aktres na mag-cool-off dahil sa ilang mga problema, pero ang pansamantala lamang sanang hiwalayan ay natuluyan nitong buwan ng Mayo.

Kuwento ni Ricci, “April this year we took a break, we took a little break from each other. Siguro parang kailangan lang ng breather something like that. Tapos 'yung breakup was first week ng May talaga totally.”

Paglalahad pa ng basketball player, may mga problema na rin talaga sila ni Andrea bago pa sila tuluyang maghiwalay.

“Kasi Tito Boy, babalikan ko lang po, before anything else marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema, personally. Hindi naman siya may mali kasing ganito or may kasalanan or what so ever, siguro doon lang sa the way we are sa isa't isa rin.

“Marami naman siyang puwedeng factors 'di ba? It could be both 'yung maturity namin pareho, puwedeng ganon, puwedeng whatever reason lang. So may mga inaayos kami na sa akin normal naman para sa isang relationship,” ani Ricci.

Ayon kay Ricci, isa sa naging ugat ng breakup nila ni Andrea ay ang babaeng nakita ng aktres sa kaniyang tinitirhan na partner naman umano ng kaniyang kaibigan.

“Tito Boy 'yung cause ng breakup, 'yung speculations niya na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl doon sa place ko. Pero ilang beses na rin naming pinag-usapan 'to. As in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya with all the evidences I have kasi may mga conversation even with my friends 'di ba? Na hindi po sa akin'yung girl, may papuntang friend ako ng midnight or madaling araw tapos hindi ko naman alam na may kasama siya, tapos 'yun 'yung inabutan niya that time,” kuwento ni Ricci.

Sabi pa ng star athlete, naging maayos pa naman ang relasyon nila noon ni Andrea matapos ang naging pagtatalo dahil sa babae.

Aniya, “Alam ko na alam niya at naniniwala siya sa akin kasi even after that Tito Boy, nag-uusap pa rin kami. Nagkikita pa rin kami e. Maayos kami, 'yung usual us, yung walang away, walang taasan ng boses, walang anything. 'Yung maayos na pinag-uusapan namin 'yung sa amin.”

April 2022, nang maging official ang relationship nina Ricci at Andrea pero nito lamang Hunyo, kinumpirma ng una ang kanilang breakup sa pamamagitan ng isang Twitter post.

Matatandaan na naging bukas sina Ricci at Andrea sa kanilang relasyon kung kaya't marami ang nagulat sa kanilang biglaang hiwalayan.

Samantala, mapapanood bukas, June 27, ang ikalawang bahagi ng panayam ni Boy kay Ricci sa Fast Talk Boy Abunda.

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA RICCI RIVERO AT ANDREA BRILLANTES SA GALLERY NA ITO: