GMA Logo Ricci Rivero, Andrea Brillantes
What's on TV

Ricci Rivero, itinangging nag-live in sila ni Andrea Brillantes pero inaming, 'We do sleep together'

By Jimboy Napoles
Published June 28, 2023 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Ricci Rivero, Andrea Brillantes


Pinabulaanan ni Ricci Rivero ang isyu na umanoy pagsasama nila ni Andrea Brillantes sa iisang bahay noon bago sila maghiwalay.

Itinanggi ng celebrity basketball player na si Ricci Rivero na nag-live in sila ng ex-girlfriend na si Andrea Brillantes habang sila ay magkarelasyon pa noon.

Sa ikalawang bahagi ng exclusive tell-all interview ni Boy Abunda kay Ricci sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng TV host kung tumira ba sa iisang bahay ang ex-couple.

Ayon kay Ricci, hindi naman sila nag live-in ni Andrea pero may mga pagkakataon na natutulog sila sa mga bahay ng isa't isa at alam ito ng kanilang mga pamilya.

Aniya, “Siguro Tito Boy from time to time we do pero ang gusto kasi ni Tita is for her to go home din and 'yun din naman ang sinasabi ko na ayoko rin na at this early age…

Sabi umano noon ni Ricci kay Andrea, “'Gusto ko rin mag-focus ka rin doon sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako, kailangan ko ring mag-focus doon sa akin.'”

Paglalahad naman ni Ricci, “Pero there are times na we do sleep together.”

Dahil sa malalim rin na naging relasyon nina Ricci at Andrea, tinanong ni Boy ang una kung sinubukan ba nitong balikan ang aktres.

“Did you try to win her back?” tanong ni Boy sa basketbolista.

“No,” agad na sagot nito.

Paliwanag niya, “Kasi Tito Boy siguro for the longest time, I was trying to not give up on the relationship, and sabi ko for me to give up, siguro sobrang puno na.”

April 2022, nang maging official ang relationship nina Ricci at Andrea pero nito lamang Hunyo, kinumpirma ng celebrity basketball player ang breakup nila ng aktres sa pamamagitan ng isang Twitter post.

Matatandaan na naging bukas sina Ricci at Andrea sa kanilang relasyon kung kaya't marami ang nagulat sa kanilang biglaang hiwalayan.

BALIKAN ANG IBA PANG REBELASYON NI RICCI RIVERO SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: