GMA Logo ricci rivero and leren bautista
Photo Source: @lerenmaebautista on IG
Celebrity Life

Ricci Rivero, masaya sa tahimik na relasyon nila ni Leren Bautista

By Nherz Almo
Published February 15, 2024 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

ricci rivero and leren bautista


Ricci Rivero nang tanungin kung si Leren Bautista na ang “the one”: “I hope so.”

“Mas happy lang din.”

Ganito inilarawan ni Ricci Rivero ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na Los Baños, Laguna councilor Leren Bautista.

Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporter ang PBA player sa ginanap na 10th anniversary party ng talent management na Virtual Playground noong Sabado, February 10.

Noong nakaraang taon, naging maingay ang kanyang love life dahil sa mga kontrobersiyang bumalot sa naging relasyon nila ng ex-girlfriend niyang si Andrea Brillantes.

Ilang buwan matapos ang kanilang paghihiwalay, kinumpirma ni Ricci ang relasyon nil ani Leren.

Bagamat paminsan-minsan pa ring naiintriga, iniiwasan na ni Ricci na pagtuunan pa ito ng pansin.

Katuwiran niya, Yung mga issues, hindi talaga basta mawawala. Yung mga taong gustong mag-push ng mga isyu na 'yan, gusto ka rin hatakin pababa.

“I won't say na nasa taas ako, it's just that kailangan kong mag-focus sa sarili ko kung paano ako magiging better sa araw-araw kaysa sa issues na 'yan.”

Na-trauma ba siya sa kanyang mga naranasang intriga sa showbiz?

Sagot ni Ricci, “Siguro I wouldn't say traumatized pero siguro I've learned.”

Sa ngayon, bukod sa pagiging basketball player, gusto rin mag-focus ni Ricci sa relasyon nila ni Leren.

Paglalarawan pa niya sa kanyang girlfriend, “She's actually not the person who I thought she was. Before kasi noong na-meet ko siya wala pa namang anything talaga kasi nasa public service nga siya, di ba? Ibang-iba talaga yung naisip ko noon sa kung ano yung naipapakita niya ngayon. Ngayon, parang chill lang, simple lang, gusto lang makatulong sa mga tao.”

Dagdag pa ng 25-year-old na si Ricci, nagsisilbing inspirasyon sa kanya ngayon ang kanyang girlfriend.

“Kung work-wise lang, sobrang hands-down ako sa kanya,” aniya.

“Kasi, umaabot talaga na sobrang puyat 'tapos maagang-maaga aalis yan to server the people and to help other people din hangga't sa kaya niya.

“Ako, in any way possible din na naiisip ko like, kung may extrang food, ganun na lang din ang ginagawa ko to help other people. Though ganun naman talaga ako before pero mas napu-push lang din talaga ako to do more.”

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)

Bagamat magkaibang ang kanilang propesyon, hindi naman daw ito problema kina Ricci at Leren.

Paliwanag ng huli, “Hindi naman siya mahirap kung iintindihin naman ang isa't isa, di ba? Yun naman ang importante sa buhay, sa lahat naman even sa family and friends. You have to understand na hindi lahat same sa 'yo. There are differences pero kaya naman.”

Sa huli tinanong si Ricci kung sa tingin niya ay si Leren na ang kanyang “the one.” Matipid niyang sagot: “I hope so.”