GMA Logo ricci rivero
What's on TV

Ricci Rivero, may relasyon nga ba kay Leren Bautista at sa isang LGBT member?

By Jimboy Napoles
Published June 26, 2023 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ricci rivero


Nilinaw ni Ricci Rivero sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang tunay na namamagitan sa kanila ni Leren Bautista at ang isyu ng pagkakaroon niya ng gay boyfriend.

Mariing itinanggi ng celebrity basketball player na si Ricci Rivero ang umano'y relasyon niya sa beauty queen at Los Baños councilor na si Leren Bautista, at sa isang miyembro ng LGBT community.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 26, matapang na sinagot ni Ricci ang mga isyung ito kasunod ng naging paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Brillantes.

“Nanliligaw ka ba kay Councilor Leren Bautista? May relasyon ka ba kay Councilor Leren Bautista?” Tanong ng batikang TV host na si Boy Abunda kay Ricci.
“Wala po,” sagot naman nito

Bukod dito, nilinaw rin ni Boy sa star athlete ang mga matagal nang isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng gay boyfriend.

“Puntahan natin itong mga usap-usapan pero this is not the first time na mayroon kang gay boyfriend, matagal na ito, what will you say to this?” ani Boy.

Ayon naman kay Ricci, totoong malapit siya sa LGBT community members at marami siyang kaibigan dito ngunit malaki umano ang respeto nila sa isa't isa na hindi naman aabot sa pakikipagrelasyon.

Aniya, “Tito Boy sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ+ community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na 'yan kasi simula po noon nu'ng napasok din po ako sa [showbiz] industry, even sa basketball naman marami po talaga akong nilu-look up in a way na 'yung personality nila, the way the carry themselves na alam ko po mataas 'yung respeto namin sa isa't isa sa kanilang lahat na hindi naman po aabot sa romantic relationship.”

“And you're straight?” sundot na tanong ni Boy kay Ricci.

“Opo,” mabilis naman na sagot ng binatang basketball palyer.

Matatandaan na naging bukas sina Ricci at Andrea sa kanilang relasyon kung kaya't marami ang nagulat nang bigla na lamang itong magtapos kamakailan.

Samantala, mapapanood bukas, June 27, ang ikalawang bahagi ng panayam ni Boy kay Ricci sa Fast Talk Boy Abunda.

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA RICCI RIVERO AT ANDREA BRILLANTES SA GALLERY NA ITO: