
Inamin ni Rich Asuncion na nagbigay siya ng relationship advice sa kanyang kaibigan na si Glaiza de Castro.
Kuwento ni Rich sa ginanap na contract signing nito sa Artist Center, matagal na siyang nagpayo kay Glaiza at ito ay base sa kanyang experience.
Isang Filipino-Australian ang asawa ni Rich na si Benjamin Mudie
Rich Asuncion, mananatiling loyal sa GMA Network
"Sinabi ko lang actually sa experience mas okay kasi, mas nag-work sa akin na ganun.
Kasi ano sila, hindi ka iniiwan sa ere. Parang black or white. Ganun lang naman, parang clear ang intentions.
Dagdag pa ni Rich, mas tiyak sa pagpapakita ng intentions ang ibang lahi.
"Kung ayaw nila sayo, ayaw. Kung gusto nila sayo, gusto nila. Tapos makikita mo talaga yung pinupursige nila
'yung intention na gusto nila sa inyo."
Ang importanteng payo ni Rich umano kay Glaiza ay maging masaya siya sa kanyang relasyon.
Ang boyfriend ni Glaiza ay ang Irish businessman at diving instructor na si David Rainey.
"Sabi ko sa kanya, go lang. Basta ang importante masaya siya, at siyempre nakilala na niya 'yung family nung guy.
"'Yun naman ang pinakaimportante, makilala mo ang family, na mabait sayo at nirerespeto ka."
IN PHOTOS: Meet the Irish guy who stole the heart of Glaiza De Castro
LOOK: Glaiza de Castro, Rhian Ramos, and other celebrities who fell in love with foreigners