What's Hot

Richard Gomez, binatukan ang Philippine Fencing Association president dahil umano sa favoritism sa mga atleta

By Kristine Kang
Published December 19, 2025 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Foreign exchange rate, March 13, 2026 | One Western Visayas
40-anyos na babae, patay sa pananaksak ng mister sa loob ng paaralan sa Sarangani
Izzy Johnson wins Manila qualifiers of freestyle dance competition

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Gomez, Rene Gacuma


Inamin ni Richard Gomez ang pananakit niya kay Philippine Fencing Association president Rene Gacuma.

Kitang-kita sa CCTV footage mula sa Thailand ang insidente sa pagitan ni Leyte Representative Richard Gomez at Philippine Fencing Association (PFA) president Rene Gacuma sa isang fencing competition ng 2025 Southeast Asian (SEA) Games.

Makikita sa video ang isang lalaki na sinaktan ang kanyang kasamahan sa ulo. Napahawak na lamang ang biktima sa tinamaang parte matapos ang insidente.

Sa report ni Mark Salazar para sa 24 Oras, inamin ng aKtor at atleta na siya ang bumatok kay Rene.

“Nakatayo ako, pinapanood ko 'yung laro tapos lumapit sila sa akin. Nung kinakausap ko na sila, tumalikod e. Lalapit sila, makikipag-usap tapos tatalikuran mo ako, bastos ka talaga. Eh talagang tinamaan,” aniya.

Ipinaliwanag ni Richard na ang kanyang galit ay bunsod ng umano'y favoritism at desisyon kaugnay ng isang atleta mula Ormoc. Ayon sa kanya, tinanggal ang atleta sa isang individual event kahit nangunguna ito sa rankings.

“Aaminin ko talagang nagagalit ako, nainis ako sa desisyon nila,” dagdag niya.

“Ang akin kasi rito, nag-qualify 'yung bata, nag-qualify siya. Sa lahat ng qualifying events ng fencing, sumali 'yan, nag-number one, hindi nila tinatalo, nahihirapan sila dIyan. And then bibigyan nila ng rason na hindi raw nagte-training, hindi raw nagpapakita. Sabi ko, 'How sure are you?' kasi taga-Ormoc 'yan.”

Samantala, nagsumite ng incident report si Rene kay SEA Games Philippine chef de mission Dr. Jose Raul Canlas. Sa kanyang salaysay, sinabi niyang hindi niya maunawaan ang naging kilos ni Richard, lalo na't isa itong dating fencer, ama ng isang atleta, at kasalukuyang kongresista.

“Hindi daw [ako] authority to replace the athlete. He squeezed my hand really hard. He stepped heavily on my left foot like I couldn't move,” aniya sa interview.

"He capped my jawline, squeezed it really hard (and said) 'HR ka lang, hindi mo alam ang maging isang atleta!' "He said, 'Alam ko saan ka nakatira.'"

Paliwanag ni Rene, ang naturang player ay hindi pinasok sa isang event dahil ayon sa mga staff, marami itong hindi sinunod at palagi wala sa trainings. Hindi rin ito sumama umano sa mga ginastusan ng pamahalaan na training abroad.

“We are supposed to build character. Compliance is huge. Even though they are talented, but non-compliant to the behavior that is expected of them, who are athletes of the Philippine Sports Commission, who are [inaudible] by the funds of this government, it's unfair to those who are struggling,” dagdag ng Philippine Fencing Association president.

Ganoon pa man, nanalo rin naman ng bronze ang player sa isang team event.

Ngunit wala raw balak si Richard na humingi ng tawad. Hindi rin plano ni Rene magpatawad.

“I'll not say sorry dahil mali ang ginawa nila. Tinanggal nila ang opportunity ng bata na maglaro sa SEA Games, tinanggal nila ang opportunity ng bata na magkaroon ng medalya, sinayang nila ang pondo ng gobyerno,” ani Richard.

“Everybody has a right to complain. Eh di hayaan mo siya mag-complain. I'll not say sorry because masama ang ginawa nila. Ang paggalit ko sa kanya hindi bilang congressman, nagalit ako sa kanya bilang atleta at bilang opisyal ng sports association,” he said.

Sabi naman ni Rene, “I was attacked, I was antagonized, I was assaulted verbally, and I was insulted.”