
Nagbukas kahapon, December 18, ang first solo exhibit ng actor/politician na si Richard Gomez. Dubbed Surface, ang exhibit ay bukas hanggang January 16, 2018 sa Pinto Art Museum.
Kuwento niya, "I used to draw parang mga cartoons, Superman, mga fencing... when I got busy iwanan ko 'yung paints ko 'yung brush. when I'm not doing anything again, makita ko 'yung brush [I] pick it up then brush again."
Richard's appreciation for the art started in the '80s. Ilan sa art works na nabili niya noon ay nasa kanya pa ring koleksyon. Aniya, "I love arts, I love the colors, I love the way the artists brush the strokes, each artist has different techniques."
Ayon pa rin sa actor/politican, ang klase raw ng art na ginagawa niya ay tinatawag na abstract expressionism. Hindi rin daw lahat ay nagkakagusto rito at naiintindihan ang klase ng art na ginagawa niya. "The kind of work that I do is basically experiential, how I feel, what I see, my thoughts, that's how I work."
Ipinakita raw niya kay Ferdie Montemayor na agad namang sinabihan siya na dapat siyang magkaroon ng show. Aminado si Richard na kinabahan siya rito. "I am quite nervous [but] at the same time I am excited."
Sa huli, idinagdag din nito na nais niyang makapagtayo ng playground para sa mga bata sa Ormoc na siyang beneficiaries ng kanyang show.