Article Inside Page
Showbiz News
Ang movie nina Richard at Dingdong ang isa sa tatlong magkakasunod na pelikulang gagawin ng film arm ng GMA-7 bago matapos ang taon.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Ibinalita sa amin ng isang taga-GMA Films na sigurado na ang pagsasama sa pelikula nina
Richard Gutierrez at
Dingdong Dantes. In-aannounce na ng president ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar sa VIP premiere ng
Ouija ang tungkol dito. Ang movie nina Richard at Dingdong ang isa sa tatlong magkakasunod na pelikulang gagawin ng film arm ng GMA-7 bago matapos ang taon.
Dagao ang working title ng unang pelikulang pagsasamahan ng dalawang top leading men ng GMA-7. Isa uli itong horror movie to be line-produced and directed by Chito Roño.
"Very soon" ang sabi na start ng shooting at gagawin ni Direk Chito bago ang
London Caregiver ni Sharon Cuneta. Kung September 11 ang start ng shooting ng Sharon movie, baka August simulan ni Direk Chito ang first movie niya sa GMA Films.
Sinabi sa amin ang ibig sabihin ng title. Tungkol ito sa iisang tao na may dalawang katauhan. Kung paano ito gagawing horror ni Direk Chito, hintayin na lang daw natin. Pauusuhin daw ng GMA Films ang horror movie na one word ang title. After ng first horror film nila na
Ouija, here comes
Dagao.
Nang makausap namin si Joey Abacan, ang supervising producer ng GMA Films, nabanggit niya ang mga pangalan nina
Iza Calzado,
Bianca King, at
Marian Rivera na posibleng makasama sa
Dagao. Kaya lang, aalis si Iza para sa Hollywood shooting ng
The Echo kaya wala na siya sa cast, unless hintayin siyang makabalik.
Marami na ang excited sa pagsasamang ito nina Richard at Dingdong. Dahil wala pang story conference at hindi pa sila nagsu-shooting, ang magiging billing ng kanilang pangalan ang ginagawang issue.
Dapat daw name ni Dingdong ang mauna dahil nauna siyang gumawa ng movie sa GMA Films at mas senior siya kay Richard, bagay na marami ang komokontra. Bata pa lang daw ang younger brother ni Ruffa Gutierrez na si Richard at ang kambal nitong si Raymond ay artista na at may karapatan siyang mauna sa billing.
Kung may magiging problema sa shooting ng
Dagao, ito ay ang schedule nina Richard at Dingdong dahil pareho silang busy. Tinatapos na ni Richard ang
Lupin at sa October ay magsisimula na siyang mag-taping ng
Kamandag, ang next project niya sa GMA-7 to be directed by Mark Reyes. Si Dingdong naman ay busy rin sa taping ng
Marimar nila ni Marian Rivera. --
PEP (Philippine Entertainment Portal)
People are already talking about this upcoming movie at the iGMA forums! Want to join in the conversation?
Register now!
You can catch Richard Gutierrez every weeknight as the bandit of hearts
Lupin,/i> after the miracles of Mga Mata ni Anghelita, every Saturday with the new timeslot of Nuts Entertainment, and every Sunday on SOP with Dingdong Dantes!
Want to feel the fun with Richard or Dingdong? Just key in RICHARD or DINGDONG and send to 4627 for any telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers.)