Article Inside Page
Showbiz News
Dahil galing sa royal showbiz family si Baby Zion, hindi malayo na sumunod ito sa footsteps ng mga magulang niya. Payag ba si Richard na mag-artista ang kanyang unico hijo?
By SAMANTHA PORTILLO
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Napaka-positibo ng epekto ng fatherhood para kay Richard Gutierrez. Mas lalo raw siyang nagiging inspired sa kanyang trabaho magmula nang dumating si Baby Zion.
Kuwento niya kay Cata Tibayan ng 24 Oras, halos hindi na raw siya nakakatulog dahil binabantayan niya si Baby Zion. Worth it naman daw ang lahat dahil napakasarap sa pakiramdam ang maging isang daddy.
Ani Richard, “Madalas sinasabi sa ‘yo, kapag nagka-anak ka na, pag-uwi mo ng bahay, matatanggal lahat ng pagod mo. You know, ilang beses akong napaisip, paano kaya mangyayari iyon? Tapos nung nandiyan na si Baby Zion, na-realize ko, totoo pala.”
Maraming plano at mga pangarap si Chard para kay Baby Zion. Kung siya lang daw ang masusunod, ayaw niya munang mag-artista ang kanyang anak.
"Isa sa mga goals ko sa kanya talaga is to finish school first, and then after that he can do whatever he wants,” aniya.
Balak ba nila ni Sarah na sundan si Baby Zion soon?
“Marami nga ang nagre-request na magparami raw kami ni Sarah. Teka lang, isa-isa lang,” biro niya.
Pagdating naman sa usapin tungkol sa
tampuhan ng ina niyang si Annabelle Rama at ang ina ni Sarah na si Esther Lahbati, no comment muna si Richard. Sinabi lang niyang malapit nang magkaayos ang dalawa.
Sinisikap daw nila ni Sarah na magkabati ang kani-kanilang mga nanay. Ang importante, pursigido si Richard na magtrabaho alang alang kay Baby Zion.
Si Richard ang bida ngayon sa GMA Films action-thriller offering na Overtime. Katambal niya sa pelikula si Lauren Young.
Sa panayam kay Richard sa Overtime mall show kahapon, sinabi niya na: “Bibigyan namin ang mga tao ng isang pelikula na ma-aksyon, na thriller, na fast-paced at kakaiba so refreshing siyang panoorin ngayon.”