
Hindi maipagkakaila na dalawa sa mga pinakaguwapong celebrity dads ngayon ang Fatherland actors na sina Richard Yap at Allen Dizon. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na nakatanggap sila noon ng indecent proposals.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 10, ibinahagi ni Richard na college student pa lang siya noon nang unang makatanggap ng naturang proposal. Kuwento ng aktor, naglalakad siya noon sa kahabaan ng Buendia nang may tumabi sa kaniyang kotse.
“Sinabayan ako, 'tapos binuksan niya 'yung [bintana]. Sabi niya, parang he was offering me na bibigyan niya ako ng allowance and all that,” pagbabahagi ni Richard.
Ngunit ang sagot umano ng dating Abot-Kamay na Pangarap actor, “Sorry, I'm not into that.”
Dagdag pa ni Richard ay hindi lang isang beses nangyari ang ganu'n noong studyante pa lang siya.
Nakatanggap din umano ng offers noon si Allen, “May nag-offer na magkano 'yung TF mo sa ganiyan, para sumama ka, para mag-escort.”
TINGNAN DITO KUNG PAPAANO NAG-REACT ANG IBA PANG CELEBRITIES SA INDECENT PROPOSALS:
Samantala, bukod sa kanilang good looks, hinahangaan din kina Richard at Allen ang kanilang magandang katawan kaya tinagurian silang ilan sa mga “hottest dads” ngayon. Ngunit paano nga ba nila napapanatili ang kanilang katawan?
“Ako, siguro 'yung stress-free, 'tapos I do IF (intermittent fasting), diet, and siguro 'yung I love nature, e. Madalas akong mag-camping, madalas akong mag-off roading, ganiyan,” sabi ni Allen.
Ang importante raw ay masaya ang isang tao sa kaniyang buhay.
Sa kabilang banda, paggi-gym naman ang pinagkakaabalahan noon ni Richard, na may sarili gym sa bahay para mapanatili ang kaniyang magandang katawan. Kung hindi man siya makapag-gym, nagwo-walking o treadmill na lang siya.
“Now it's more on treadmill and parang yoga, stretching, because it's more for golf. Kasi, kapag nagwe-weights ka medyo nasisira 'yung palo mo so it's something related to what I do,” Sabi ng aktor.
Related gallery: Celebrity dads and their inspiring fit bodies