
May bagong kontrabida na napapanood ngayon sa award-winning medical-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Siya ay ang veteran actress na si Pilar Pilapil, na napanood na rin sa ilang tv series at pelikula bilang kontrabida.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa isa sa mga aktor sa serye na si Richard Yap, may ikinuwento ang huli tungkol kay Pilar.
Ayon kay Richard, isang beses pa lamang niyang naka-eksena si Pilar ngunit napansin na agad niya ang kakaibang husay nito sa pag-arte.
Sabi niya, “One time pa lang kami nagka-eksena but sa lahat ng mga kasama ko, they are all very intimidated by her. When she's in character intimidating talaga siya.”
“Since pareho kaming Bisaya may ano siguro, may konting affinity to each other kaya hindi ako masyadong na-intimidate sa kanya,” dagdag pa niya.
Bago pa ito, nagpahapyaw ang aktor tungkol sa mga dapat pang abangan ng mga manonood sa serye.
Pahayag niya, “Maraming nangyayari sa Abot-Kamay Na Pangarap… Papunta to resolve all the things that are happening now. So, marami pa talagang aabangan.”
Samantala, napapanood si Richard sa serye bilang si Doc RJ, habang si Pilar ay napapanood bilang nanay ni Moira (Pinky Amador) na si Madam Chantal.
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: