GMA Logo richard yap on abot kamay na pangarap
What's on TV

Richard Yap, gaganap na doktor sa 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published August 10, 2022 12:21 PM PHT
Updated August 29, 2022 9:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

richard yap on abot kamay na pangarap


Richard Yap, isa nga ba sa leading men ni Carmina Villarroel sa bagong GMA Afternoon Prime series?

Sa bagong GMA afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap, na pagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward, kaabang-abang kung sino ang mga lalaking magkakaroon ng malaking parte sa kanilang mga puso at buhay.

Bukod kay Dominic Ochoa, mapapanood din ang Chinoy actor na si Richard Yap bilang isa sa mga leading men ng aktres na si Carmina.

Si Richard ay makikilala sa serye bilang si Robert Tanyag o RJ Tanyag, isang doktor na seryosong-seryoso sa kaniyang trabaho.

Siya rin ang asawa ni Moira Tanyag, ang karakter na gagampanan ng seasoned actress na si Pinky Amador.

Sa isang interview, ibinahagi ng dating I Left My Heart Sorsogon actor ang ilang detalye tungkol sa kaniyang karakter sa bagong programa ng GMA Network.

Pagbabahagi niya, “Ako ang gaganap sa Abot Kamay Na Pangarap as Dr. Robert or RJ Tanyag. Isa po akong doktor na who is very passionate about his work and masyado siyang seryoso sa trabaho niya kaya minsan siguro napapabayaan niya konti ang pamilya niya. Ito ang character ko at maraming exciting na mangyayari rito.”

Abangan ang magiging koneksyon ng karakter ni Richard Yap sa buhay ni Lyneth (Carmina Villarroel) sa nalalapit na pagpapalabas ng Abot Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: