
Invited ang mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa isang special ceremony na Ting Hung o formal engagement ceremony na tinatawag ng Filipino-Chinese community ngayong Sabado ng gabi.
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na July 8, magiging ninong at ninang ang Manaloto couple sa Ting Hun ng anak ni Mr. Lim na si Xander Lim at Mia Go.
Pero, mukhang may problema sina Xander at Mia, dahil hindi nila ganun kakilala ang isa't isa at tanging ang kanilang mga magulang ang nagdesisyon na ipag-isang dibdib sila.
Ano kaya ang payo na maiibigay nina Pitoy at Elsa kina Xander at Mia na hindi bukal sa loob ang pagpapakasal?
At itong si Tommy, mukhang makakahanap ng tiyempo at magpapakilala sa business partner ni Pepito na si Mr. Lim.
Kung hindi siya makautang kay best friend Pepito, makagawa kaya siya ng paraan para kumita ng pera bilang business consultant ni Mr. Lim?
Star-studded ang guest natin na makikisaya sa Manaloto fambam sa pangunguna ng Sparkle artists na sina Richard Yap, Lexi Gonzales, at Gil Cuerva.
Nood na ng tawanan at good times sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong July 8 sa oras na 7:00 p.m..
MORE KULIT THROWBACK PHOTOS WITH THE 'PEPITO MANALOTO' CAST: