GMA Logo Pepito Manaloto July 8 2023 episode
What's on TV

Richard Yap, Lexi Gonzales, at Gil Cuerva, mapapanood sa 'Pepito Manaloto' ngayong Sabado ng gabi!

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2023 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto July 8 2023 episode


Todo ang artista power sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' sa darating na July 8 na 'yan, mga Kapuso.

Invited ang mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa isang special ceremony na Ting Hung o formal engagement ceremony na tinatawag ng Filipino-Chinese community ngayong Sabado ng gabi.

Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na July 8, magiging ninong at ninang ang Manaloto couple sa Ting Hun ng anak ni Mr. Lim na si Xander Lim at Mia Go.

Pero, mukhang may problema sina Xander at Mia, dahil hindi nila ganun kakilala ang isa't isa at tanging ang kanilang mga magulang ang nagdesisyon na ipag-isang dibdib sila.

Ano kaya ang payo na maiibigay nina Pitoy at Elsa kina Xander at Mia na hindi bukal sa loob ang pagpapakasal?

Pepito Manaloto

At itong si Tommy, mukhang makakahanap ng tiyempo at magpapakilala sa business partner ni Pepito na si Mr. Lim.

Kung hindi siya makautang kay best friend Pepito, makagawa kaya siya ng paraan para kumita ng pera bilang business consultant ni Mr. Lim?

Star-studded ang guest natin na makikisaya sa Manaloto fambam sa pangunguna ng Sparkle artists na sina Richard Yap, Lexi Gonzales, at Gil Cuerva.

Nood na ng tawanan at good times sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong July 8 sa oras na 7:00 p.m..

MORE KULIT THROWBACK PHOTOS WITH THE 'PEPITO MANALOTO' CAST: