
Sa katatapos lang na enggrandeng watch party para sa upcoming series na Unbreak My Heart, nagpahapyaw ang chinito actor na si Richard Yap tungkol sa karakter nila ni Jodi Sta. Maria.
Sa biggest collaboration ng GMA at ABS-CBN, ang tambalan nina Richard at Jodi ang isa sa mga inaabangan ng mga manonood.
Sa isang panayam, nagkuwento ang Kapuso actor tungkol sa roles nila ng award-winning actress sa serye.
Pahayag niya, “Sa umpisa mayroon kaming conflict pero little by little we will try to resolve it. Hopefully, makikita rin nila [viewers] 'yung growth nung relationship namin.”
Kasunod nito nagbiro pa si Richard, “Ang sinasabi ko nga sa kanila, huwag silang mag-alala kasi JoChard pa rin, Joshua at Richard.”
Bukod kina Richard at Jodi, mapapanood din bilang lead stars sa serye sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.
Kabilang din sa cast ng serye sina Laurice Guillen, Will Ashley, Bianca De Vera, Eula Valdes, Nikki Valdez, Victor Neri, Romnick Sarmenta, Sunshine Cruz, Maey Bautista, at marami pang iba.
Ipapalabas ang series simula May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANETWORK.com, iWantTFC, at Viu.
Samantala, bukod sa upcoming series, kasalukuyang napapanood si Richard sa GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: