
Isang nakababalahang liham ang natanggap ng actor at businessman na si Richard Yap.
Ipinadala daw sa kanyang restaurantlaman ang handwritten letter na ito, kung saan nakasaad ang hinaing ng isang babaeng dati raw niyang ka-chat sa isang messaging app.
Dito na napagtanto ni Richard na tila nagamit ang kanyang pangalan para sa isang scam.
Ibinahagi niya ang censored na litroto ng sulat kalakit ang isang babala.
"Hi guys I just received a letter sent to our restaurant from someone who says I have been texting and talking to her on WhatsApp and suddenly stopped. I just want you to know that was not me. If ever you get messages claiming to be me, pls do not reply because I would never do that. Pls be vigilant and do not let yourself be led on by scammers. #beAware #NoToScammers," sulat ng aktor sa Facebook.
Talamak na problema sa bansa ang iba't ibang uri ng text at social media scams. Ilan dito ang gumagamit ng pangalan ng mga celebrity para magbenta or humingi ng donasyon.
KILALANIN DIN ANG IBA PANG ARTISTA NA NAGAMIT SA SCAM ANG MGA PANGALAN SA GALLERY NA ITO: