GMA Logo Richard Yap and Jillian Ward
Source: iamrichardyap (IG)
What's Hot

Richard Yap, nagpahayag ng suporta kay Jillian Ward

By Marah Ruiz
Published October 26, 2025 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap and Jillian Ward


Nagpahayag ng suporta ni Richard Yap para kay Jillian Ward sa gitna ng "sugar daddy" issue nito.

Kabilang ang aktor na si Richard Yap sa mga nagpahayag ng suporta para kay Star of the New Gen Jillian Ward sa gitna ng hinaharap nitong issue.

Binasag na ni Jillian ang kanyang katahimikan at pinabulaanan ang mga haka-haka na mayroon siyang "sugar daddy" na gumagastos para sa kanyang lifestyle, partikular ang luxury sports cars at magarbong debut.

"It's all fake, lahat po ng meron ako, I bought it with my own money," pahayag ni Jillian sa isang exclusive interview sa daily talk show na Fast Talk with Boy Abunda.

Nag-iwan si Richard ng maikling mensahe sa comment section ng isa sa mga posts ni Jillian.

"Don't listen to what others have to say anak, they're all just noise. That just means you're relevant and they're jealous. We know how hard you work for what you have. Love you! ♥️," saad niya.

Bukod kay Richard, marami pang mga kaibigan at katrabaho ang mabilis na dumipensa kay Jillian.

Kabilang ang kanyang mabuting kaibigan at Prima Donnas co-star na si Althea Ablan sa mga agad na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Nagsalita rin si Chuyckie Dreyfus na co-star niya sa Abot-Kamay na Pangarap para patotohanan ang integridad ni Jillian.

Samantala, muling nakatakdang magkatrabaho sina Richard at Jillian sa upcoming primetime action-drama series na Never Say Die.

Makakasama nila ang malaki at all-star na cast, kabilang sina David Licauco, Kim Ji Soo, Analyn Barro, Raheel Bhyria, at Winwyn Marquez.

Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA 'NEVER SAY DIE' DITO: