GMA Logo Richard Yap
What's Hot

Richard Yap, nagsimula nang mag-tape para sa kanyang first-ever Kapuso show

By Marah Ruiz
Published December 19, 2020 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

FIFA World Cup: Budimir strike gives Croatia 1-0 win and ends Panama's hopes
Raps filed vs minor in Tacloban school shooting
The season's most anticipated portable fan is launching in the Philippines—here's what to expect

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap


Nakatakdang lumabas sa comedy anthology na 'Dear Uge' ang bagong Kapuso na si Richard Yap.

Nagsimula nang mag-tape ang bagong Kapuso na si Richard Yap para sa kanyang first ever Kapuso show.

Nakatakda kasi siyang lumabas sa isang guest role sa well-loved comedy anthology na Dear Uge.

Sa ilang litrato mula sa set ng show, makikitang ka-eksena ni Richard ang komedyanang si Eugene Domingo na host at bida ng serye.

Nakasuot pa ng blonde at kulot na wig ang aktres at may bitbit na maleta.

Sa ngayon, wala pang impormasyon kung tungkol saan ang episode at kung ano ang magiging role dito ni Richard.

Richard Yap on Dear Uge

Pumirma ng management contract si Richard sa GMA Artist Center noong December 16.

"Now that I'm already here, I'm really grateful to GMA for betting on me na when at this time of pandemic ang daming ibang stations that are letting go of people. There are so many people losing their jobs. I guess I'm just so lucky to be accepted and to be a part of GMA," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Matatandaang ang Dear Uge at late night comedy show na The Boobay and Tekla Show ang mga unang programang bibisitahin ng aktor bilang bagong Kapuso.

Bahagi ito ng plano ni Richard na sumubok ng ibang genre, bukod sa heavy drama kung saan siya nakilala.

"Expect the unexpected? I guess you can expect me to try and experiment into other genres other than the ones that I've done before," pahayag niya sa kanyang contract signing na dinaluhan nina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMA Artist Center Senior Talent Manager Joy Marcelo, co-manager ni Richard na si Kate Valenzuela.

Silipin ang ilang eksena mula sa kanyang contract signing dito:




Nakatakda din bumida si Richard sa isang primetime series sa susunod na taon.

Bago pa man naging opisyal na Kapuso, nag-guest na siya sa always trending segment na "Bawal Judgemental" sa longest-running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga noong nakaraang July.

Kinilatis ang pinakinggan niya dito ang mga kuwento ng ilang transmen, kabilang si StarStruck alum Jesi Corcuera.