
Ilang rebelasyon tungkol sa kanyang career at love life ang binitiwan ni Richard Yap nang bumista ang bagong Kapuso star sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, January 31.
Si Richard ang special guest sa TBATS at una siyang sumalang sa 'May Pa-Presscon' segment. Pag-amin ng model-turned-actor, noong kanyang kabataan ay may nag-alok na sa kanya na magmodelo ngunit tinanggihan daw niya ito.
Pag-alala niya, “Noong college palang ako, may lumalapit, sinasabi na kung gusto ko ba daw mag-model. Pero sabi nila, kailangan daw maghubad. Sabi ko, hindi ko pa naman kailangan ng pera, h'wag na muna.”
Sa parehong segment ay ikinuwento rin niya kung anong taon siya unang naka-girlfriend at kung ilan ang kanyang naging nobya bago siya nagpakasal.
Pinangalanan din ni Richard si Solenn Heussaff bilang isa sa kanyang mga crush sa showbiz. At aniya, dream role daw niya ang mga character tulad ni James Bond.
Open naman kaya siya sa pagganap sa gay roles? Alamin sa video sa itaas o panoorin ito DITO.
Si Richard din ang nakasama ng fun-tastic duo at ng The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Skelly Clarkson, Jessa Chichirita at Boobsie Wonderland sa 'Dear Boobay and Tekla.' Para sa kanyang advice, humugot ang aktor mula sa kanyang personal experiences.
Sa parehong episode ay ipinagdiwang din nina Boobay at Tekla ang ika-100 episode ng kanilang programa.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: