GMA Logo Ricky Lee
Source: GMA Network
What's Hot

Ricky Lee, binalikan ang inspirasyon sa pagbuo ng 'Muro-ami'

By Aimee Anoc
Published May 22, 2026 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Felip, or SB19's Ken, releases new single 'Sulfur'
Lalina Schuett, Miu Natsha excited to meet Filipino fans in Manila this weekend
FPJ Sa G! Flicks: Ang Leon at Ang Kuting | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Ricky Lee


Ricky Lee sa inspirasyon ng award-winning film na 'Muro-ami': "'Yung ideya galing kay Marilou [Diaz-Abaya]. She wanted to do a movie on muro-ami, sa mga bata na ini-exploit talaga, child labor exploitation."

Masaya at excited ang National Artist na si Ricky Lee na na-restore at muling mapapanood sa sinehan ang 1999 award-winning film na Muro-ami.

Screenplay writer si Ricky Lee kasama si Jun Lana ng pelikulang ito na idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya at pinagbidahan ni Cesar Montano.

"Siyempre, masarap lagi ang pakiramdam 'pag 'yung mga pelikulang ginawa before ay nare-restore. Hindi lang dahil nabibigyan s'ya ng bagong buhay para sa bagong generation, kundi napapanood sa mga sinehan rather than sa streaming o sa YouTube," sabi ni Ricky Lee sa interview ng GMANetwork.com sa naganap na special screening ng Muro-ami.

"So, it's all over again, 'yung pakiramdam mo noon nu'ng bagong gawa 'yung pelikula, parang you're going to the same experience again. It's a very exciting experience. And, I think, it's something really important na restore tayo nang restore ng mga pelikulang ginawa noong unang panahon kasi part siya ng kasaysayan," saad pa niya.

"I think lahat ng social issues, nangyari man before o nangyari ngayon, laging mahalagang matutunan, makita, maranasan natin. Usually 'yung nangyayaring sitwasyon noon, nangyayari pa rin ngayon. At kung hindi man nangyayari na ngayon, mahalagang makita mo 'yung kasaysayan before kung paano napunta sa ngayon. So lagi siyang pagbubukas ng mata para sa mga manonood ngayon," dagdag niya.

Ikinuwento rin ng National Artist ang naging inspirasyon sa pagbuo ng Muro-ami na, aniya, ideya ni Direk Marilou.

"She wanted to do a movie on muro-ami, sa mga bata na ini-exploit talaga, child labor exploitation. Kailangan mag-dive sila sa dagat para sa ikabubuhay nila--maski na at the risk of their lives, nagkakabingi-bingi na sila.

"Pero pamilyar na sa akin 'yung materyal kasi in 1990 I did a short film for Lino Brocka on the muro-amis... So nu'ng sinabi ni Marilou in 1999 na gagawa on muro-amis, that's something na exciting for me."

RELATED CONTENT: Cesar Montano, Jhong Hilario, and other stars grace Muro-ami Special Screening

Ayon kay Ricky Lee, ang isa sa aral na maiuuwi ng manonood mula sa Muro-ami ay ang pagprotekta sa mga kabataan.

"Protektahan natin ang mga bata, ang babata pa nila. Hindi pa sila nabubuhay fully sa kanilang dapat ikabuhay sa kanilang kabataan, and yet, napipilitan silang magtrabaho sa isang trabahong napakadelikado, and yet, ginagawa nila para sa pamilya nila."

Mapapanood na ang remastered Muro-ami sa mga piling sinehan simula June 3.

Samantala, panoorin ang trailer para sa remastered version ng Muro-ami rito: