GMA Logo Rico Blanco
Source: FastTalkGMA/FB
What's on TV

Rico Blanco on getting married someday: 'Still a possibility for me'

By Kristian Eric Javier
Published May 22, 2026 9:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Albay bettor wins P25M prize to Superlotto 6/49 - PCSO
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News

Rico Blanco


Single nga ba o handa na magpakasal si Rico Blanco? Alamin dito.

Para kay Rico Blanco, napakakumplikado ng sitwasyon ng mga karakter sa pagbibidahan niyang pelikula na Project Baby kasama si Sue Ramirez. Ang role kasi ng aktres, gusto umano magkaroon na ng anak, pero ayaw naman ng romantic partner.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 21, inamin ni Rico na komplikado ang ganoong sitwasyon at sinabing hindi siya magdidikta sa dapat at hindi dapat gawin ng isang babae.

Kung para naman sa mga lalaki, aminado si Rico na nagiging biruan na rin sa mga magkakaibigan na kapag hindi pa kasal ang magkaibigang lalaki at babae sa ganitong edad, sila na lang ang magpapakasal.

Ngunit kung seseryosohin niya umano ito, “Siguro may hesitation ako. Siguro kasi may hope pa rin ako na kaya ko pa rin siyang magawa na meron talaga akong partner.”

Paglilinaw pa ng vocalist-turned-actor, “Not that I don't want to do it, it's because I'm hopeful na kaya ko pa rin 'yung way na more traditional.”

Ibinahagi rin ni Rico na single siya ngayon, at sinabing walang problema kung manatiling ganoon ang estado ng kaniyang buhay pag-ibig. Sa katunayan, umabot pa umano sa puntong natanggap na niya na magiging mag-isa na lang siya sa buhay.

“But that was a long time ago. And then I had a relationship after that. Right now, I'm single, but I'm open to not being single. Kasi 'yung respect ko naman sa pagiging single is because we also have so many loved ones who are single all their lives and I have such high respect for them,” sabi ni Rico.

Pagpapatuloy pa ng dating Rivermaya frontman, may posibilidad pa rin na magpakasal siya balang-araw, ngunit kailangan ay sa tamang tao na.

“I'm at the age where I don't have to get married. I understand, for some people, they have to get married. Right now, I don't have to get married so if I will get married, it has to be with the right person,” sabi ni Rico.

ALAMIN ANG TUNGKOL SA RUMORED AND PAST RELATIONSHIPS NI RICO BLANCO SA GALLERY NA ITO: