
Kinaaaliwan ngayon sa social media ang latest Facebook post ni Rico Blanco.
Sa naturang post ni Rico, makikita ang kaniyang upside down photo habang tumitingin at namimili sa menu ng isang restaurant sa Tarlac.
Mababasa naman sa caption na tila nag-update ang OPM singer-songwriter sa mga Tarlaqueño.
“Tarlac dito na kami. Pagkatapos ng maagang soundcheck, quick lunch muna bago magpahinga,” sulat niya sa kaniyang post sa Facebook.
Kaugnay nito, mababasa sa comments section ang nakatutuwang reaksyon ng kaniyang fans at iba pang netizens tungkol sa larawan na kaniyang ibinahagi online.
Komento ng isang netizen, “Imbes na paganun eh, paganun eh.”
Bukod dito, marami pa ang talaga namang naaliw sa sense of humor ni Rico.
Sa kasalukuyan, si Rico ay mayroon nang 2 million followers sa Facebook at may mahigit 700,000 followers sa Instagram.
Isa sa mga sikat na kanta ng OPM artist ay ang "You'll Be Safe Here."
SAMANTALA, TINGNAN ANG BAGONG HOTEL NI RICO BLANCO SA LA UNION DITO: