GMA Logo Riel Lomadilla
Image Source: xoxo_gma_riel (IG)
What's on TV

Riel Lomadilla, nakuha ang kanyang first lead role sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 17, 2021 4:17 PM PHT
Updated December 17, 2021 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino volunteers play key role at Vatican’s Jubilee of Hope
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Riel Lomadilla


First time magiging bida si XOXO member and actress Riel Lomadilla sa upcoming fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Bibida si XOXO member at Kapuso actress Riel Lomadilla sa upcoming fresh at brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman. Ito raw ang first-ever lead role niya.

Pinamagatang May Forever sa Tabo, gaganap si Riel dito bilang Rain, isang babaeng workaholic at mababa ang self-esteem.

Isang call center agent si Rain kaya magpa-Pasko siya nang malayo sa pamilya.

Sa isang 'di inaasahang pagkakataon, manghihiram siya ng tabo sa kanyang kapitbahay.

Dito niya makikilala si Jolo, karakter naman ni Kapuso actor Yasser Marta.

Magiging malapit sina Rain at Jolo simula noong Paskong iyon. Hindi magtatagal, magsasama na rin sila sa iisang bubong.

Malalaman ng nanay ni Rain na si Magdalena, na gagampanan ni Tanya Gomez, ang relasyon ng dalawa.

Tutol si Magdalena kay Jolo dahil palagay niya, lolokohin lang ng guwapong lalaki ang kanyang anak.

Maipaglalaban ba nina Jolo at Rain ang kanilang pag-iibigan?

Abangan 'yan sa brand new episode at Christmas special na "May Forever sa Tabo: The Jolo and Rain Argales Story," ngayong Sabado, December 18, 8:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: