GMA Logo rio locsin
Source: GMA Network & FTWBA
What's on TV

Rio Locsin, walang alinlangan sa sexy film noon dahil sa mga mahuhusay na director

By Aedrianne Acar
Published April 28, 2026 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAL posts $78.55M net income in Q1 2026, up 2.6%
2 minors rescued from mom’s ex-employer in Marawi
Huwag Kang Titingin: One Word to Describe your Character | Sofia Pablo

Article Inside Page


Showbiz News

rio locsin


Rio Locsin, sa 'bold star' tag noon: “Kahit na daring, kahit ganun na sexy kami, ang gagaling ng mga director namin.”

Isa sa mga mahuhusay na aktres sa telebisyon o pelikula si Rio Locsin, na guest sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, April 28.

Ito ay para i-promote ang world premiere ng bago niyang primetime soap na The Master Cutter, na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Sa pakikipag-chikahan niya sa batikang host na si Boy Abunda, napag-usapan ang ginawa niyang sexy films noon.

Umamin si Rio na noong teenage years niya ay labag sa kanya ang paggawa ng daring projects.

“Labag sa kalooban ko. Hindi ko alam kung ano ginagawa ko, ano ginagawa ko dito? Bakit ako nakaganito? Bakit ganun?” pag-amin niya.

Ngunit aniya, “Sabi ng nanay ko, siyempre, susundin ko nanay ko. Tsaka, siyempre, bata ka nun— lahat ng sabihin ng direktor, kahit tumalon ka sa ilog, gagawin mo kasi bata ka, e.

"Yun bang parang na-realize mo lang 'yung, 'Oh, kasama pala talaga 'to sa pagpapaaral sa akin.' Para pagtanda ko, looking back, maalala ko pinagawa sa akin nung.... 'Di ba, lesson learned din yun, e. Dapat ngayon, medyo sa baguhan, nag-iisip din kayo na ''bold pag hindi tama, hindi tama.”

Related gallery: Rio Locsin is a classic beauty in these photos

Source: GMA Network & FTWBA

Kasunod nito ay natanong ni Boy si Rio kung nasaktan siya nang tawagin siyang isang bold star.

“Sa akin, hindi,” sagot ni Rio. “Kahit na daring, kahit ganun na sexy kami, ang gagaling ng mga director namin.”

Para sa kaniya, hindi matatawaran ang mga naging direktor niya noon na itinuturing nang legends sa Philippine entertainment industry tulad ng mga yumaong sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Paliwanag ni Rio, “Yung bang ipinakikita nga namin 'yung sexy side nung katauhan. Pero pinapaarte ka pa rin. Hindi rin puwedeng tatanga-tanga, kasi jusko, baka mabato ka ng silya. 'Pag dumating ka ng set at wala kang nalalaman, hindi mo memorized ang script mo o hindi mo alam, ay, magtago ka na.”

Samantala, tuwang-tuwa naman si Rio Locsin sa dami ng bagong talents na nakasama niya sa The Master Cutter, na mapapanood sa GMA Prime simula May 11.

“Kasi ang daming bago sina Shuvee [Etrata] , sina Charlie [Fleming]. Ibang grupo naman kaya ang sarap kasama rin, mga bagong grupo," sabi niya sa huli.

Panoorin ang full trailer ng The Master Cutter dito: