TV

Riot na tapatan nina AiAi de las Alas at Barbie Forteza, mapapanood ngayong Lunes sa 'Family Feud'

By Maine Aquino

Tuloy-tuloy ang saya ngayong love month at 3rd week ng “More Tawa, More Saya, More Love” campaign ng Family Feud!

Ngayong Lunes, mainit ang pasiklaban dahil dalawang aktres mula sa magkaibang henerasyon ang maghaharap sa isang episode na punong-puno ng kulitan, tawanan, at feel-good moments.

Para sa bagong henerasyon, tatayong team captain ng Team Never Forget ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. Makakasama niya ang beauty queen-turned-actress na si Angel La Torre, singer na si Bianca Kierulf, at ang special guest, ang ama ni Barbie na si Tony Forteza. Ang kanilang team ay kumakatawan sa pelikulang Until She Remembers na ipapalabas sa February 25.

Sa Team Paco naman bibida ang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Kasama niya ang crowd-favorite comedian na si Empoy, ang versatile actress na si Kim Rodriguez, at comedienne na si Chichirita. Sila naman ang mga bibida sa pelikulang Batang Paco na ipalalabas sa February 18.

Puno ng tawa, saya, at love ang dapat abangan sa Family Feud ngayong February 16, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!