
Sa panibagong episode ng Tadhana, isang pamilya ang nagipit at sumubok ng online lending application para mangutang.
Upang maitaguyod ang kanyang mga anak, nagtatrabaho bilang OFW si Judith (Rita Avila) sa Hong Kong. Pero ang inaasahang trabaho, naging mitsa pa para makulong siya. Kaya naman para matustusan ang pangangailan ng magkakapatid na Kathryn (Ashley Ortega), Selena (Shanelle Agustin), at Kiko (Jamir Zabarte) ay kumapit sila sa online pautang. Lingid sa kanilang kaalaman na imbes na tulong, dobleng sakit sa ulo pala ang dulot nito.
Paano nga ba nila mababayaran ang kanilang utang?
Abangan ang natatanging pagganap nina Rita Avila, Ashley Ortega, Shanelle Agustin, Jamir Zabarte, Dave Bornea, Jenine Desiderio, Via Antonio, at Vince Crisostomo.
Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kuwento ng Tadhana: Due Date ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.