
Isa na namang natatanging pagganap mula sa respetadong aktres na si Rita Avila ang matutunghayan sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Ina Ka ng Anak Mo" kung saan gaganap siya bilang Lida, tindera ng isda.
Biniyayaan siya ng mga anak na babae pero lahat ito ay mga pasaway.
Lulong sa alak ang panganay niyang si Grace--played by Sophie Albert, habang sumasama sa kung sinu-sinong lalaki ang pangalawang anak niyang si Vicky, na gagampanan ni Joyce Ching.
Pareho naman ng boyfriend ang mga mas bata niyang mga anak na sina Pau, karakter ni Haley Dizon, at Angge na gagampanaman naman ni Ella Cristofani.
Lagi siyang inaalalayan ng asawa niyang si Natoy, karakter ni Lito Pimentel, pero talagang masusubukan ang pagmamahal ni Lida sa mga anak dahil sa sunud-sunod na problemang dala ng mga ito.
Abangan ang brand new episode na "Ina Ka ng Anak Mo," September 23, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Panoorin rin ang pasilip sa taping ng episode sa exclusive video na ito: