GMA Logo rita avila hearts on ice
What's on TV

Rita Avila, mapapanood sa upcoming figure skating series na 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published February 1, 2023 12:25 PM PHT
Updated February 1, 2023 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

rita avila hearts on ice


Kabilang si Rita Avila sa cast ng Philippines' first-ever ice skating drama series na 'Hearts On Ice.'

Isa si Rita Avila sa mga batikang aktor na mapapanood sa inaabangang figure skating series na Hearts On Ice.

Kaabang-abang ang magiging role ng aktres sa serye dahil, aniya, naiiba ang kuwento nito sa mga dati na niyang naging role.

Sa interview ng GMA Network.com, ikinuwento rin ni Rita kung gaano kasaya katrabaho ang lead stars ng serye na sina Ashley Ortega at Xian Lim.

"Lahat ng mga artista rito mababait. Si Xian at [Ashley], actually, pareho silang nakakatawa. Parang chill, chill na mga bagets," sabi niya.

Photo by: msritaavila (IG)

Ibinahagi rin ng aktres ang mga dapat na abangan sa bagong serye ng GMA na Hearts On Ice.

"Siyempre 'yung mga mahilig sa skating, 'yung may mga dreams na gusto nilang ma-fulfill, exciting sa kanila 'yung magiging journey ng [serye]. I think makaka-relate sila sa iba't ibang characters namin," pagbabahagi ni Rita.

Makakasama rin sa serye ang ilan pa sa mga kilalang aktor tulad nina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Nariyan din sina Antonette Garcia, Kim Perez, Roxie Smith, Ruiz Gomez, at Skye Chua.

Abangan si Rita bilang Yvanna sa Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG HEARTS ON ICE DITO: