GMA Logo Rita Daniela and McLaude Guadaña
Photo source: FTWBA
What's on TV

Rita Daniela, aminadong nag-first move sa boyfriend na si McLaude Guadaña

By Karen Juliane Crucillo
Published November 3, 2025 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela and McLaude Guadaña


Alamin dito kung paano nagsimula ang relasyon nina Rita Daniela at McLaude Guadaña.

Ngayong masaya ang puso ni Rita Daniela, ibinahagi niya ang love story nila ng LPU Pirates player na si McLaude Guadaña.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, November 3, inamin ng Kapuso actress na siya ang nag-first move sa kanila ni McLaude.

“Nagsimula dahil kay Xavier Ramos na anak ni Wendell Ramos na nakita ko lang actually sa Instagram Story niya tapos sabi ko 'luh parang cute 'to,” ikinuwento ni Rita.

Bilang isang palaban na babae, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at fi-nollow na niya si McLaude sa Instagram.

“So, ako as a fearless woman, bilang palaban, fi-nollow ko pero sa totoo lang, naglakas ako ng loob na i-follow siya kasi mukha talaga siyang suplado parang hindi naman 'to nababakante, for sure may girlfriend 'to. E, fi-nollow back ako, Tito Boy, syempre noong fi-nollow back ako, gumalaw tayo agad. Ako 'yung unang nag-message,” dagdag pa niya.

Ibinahagi naman ni McLaude na ang unang message niya sa aktres ay “Oh hi, Ms. Rita Daniela.”

Ibinuking naman ni Rita na ang kanyang unang message ay isang emoji lang, para hindi magalit ang girlfriend ni McLaude kung mayroon man itong nobya.

Sa patuloy na pagkilala nila sa isa't isa, inamin ni McLaude na naging maganda agad ang kanilang usapan.

“Sobrang ganda agad ng usap namin, Tito Boy. The moment na nag-reply ako sa kanya ng 'Oh hi, Ms. Rita' parang non-stop na, parang effortless e. Lahat ng pinag-uusapan namin parang straight to the point,” pahayag niya.

Makalipas ang tatlong araw, inaya ni McLaude si Rita sa isang date, hanggang sa napunta na sa tanong kung maaari ba siyang maging girlfriend ng aktres.

“Ang nangyari sa amin habang hinahatid ko siya pauwi, so, as in, para kaming nasa movie, dahan dahan kong tinatabi 'yung sasakyan, pag-stop ko, dahan-dahan yung seatbelt, tumatanggal. So ang nangyari, fi-nace to face ko siya hawak ko 'yung mukha niya, sabi ko 'Pwede na ba kita maging girlfriend?,' ikinuwento ng basketball player.

Ibinahagi ni Rita na hindi niya agad sinagot ang tanong dahil may mga pangamba siya para sa kanyang anak na si Uno.

“Pinaintindi ko lang sa kanya 'yung wait noong sagot ko kasi of course, I will say yes, it's just that hindi deserve ni Uno na makita ako na umiiyak ako ng dahil sa isang lalaki. So, ang dami kong tinatanong sa kanya, kung kaya ba niya talaga, is he really sure about me,” pahayag niya.

Sa gitna ng paghihintay ng sagot ni McLaude, nagdasal muna si Rita bago sagutin ito at sinabing, “Yes, I can be your girlfriend.”

Naitanong naman ni Tito Boy ang lagay ng pakikisama ni McLaude kay Uno.

“The first time na nakita ko si Uno, sobrang saya ko kasi accepting as a whole, nakita ko rin na okay din 'yung bata. Sobrang sarap sa pakiramdam,” pahayag ni McLaude.

Ibinahagi rin ni McLaude ang kanyang depinisyon ng pag-ibig, lalo na't nasa masayang relasyon siya ngayon kay Rita.

“Well, for me, 'yung pag-ibig, it's sacrifice. Sacrifice sa lahat ng pagkakataon, na pipiliin mo 'yung tao.”

Napansin naman ni Tito Boy na nagiging emosyonal si Rita habang nasagot si McLaude.

“Ano lang talaga, kasi there was really a part of my life na I asked God like why am I here? Like I don't deserve this. Kasi I know I am a good servant, I am a good child, but why am I here? Pero now that ito, kung nasaan ako ngayon, like okay kami ng tatay ni Uno, Uno's growing up to be a really really smart kid and very talented, and my mom, she's healthy you know, mas nakakasama namin 'yung mom namin, and of course, McLaude came into my life, sinong magaakala diba doon sa mga panahon talagang nasa storm ako na feeling ko hindi natatapos,” sabi niya.

Dagdag pa Rita, “But ngayon po, sobrang grabe, ramdam na ramdam ko si Lord. Kaya lang po ako naiiyak and naging emotional na tama po 'yung sinabi niya na just keep [your] faith and maging mabuti ka lang during your waiting season because everything will be worth it.”

Unang kinumpirma ni Rita ang kanilang relasyon ni McLaude sa isang interview sa GMA Integrated News noong October 6. Nagsimula ang kanilang relationship rumors nang sila ay matagpuang sweet sa 30th birthday ni Rita.

Kilalanin si McLaude Guadaña sa gallery na ito: