GMA Logo Rita Daniela and Bianca Umali
What's on TV

Rita Daniela at Bianca Umali, magkaribal sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published November 27, 2021 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela and Bianca Umali


Gaganap bilang half-sisters na magkaribal sina Rita Daniela at Bianca Umali sa 'Tadhana' ngayong Sabado.

Mala-Cinderella na may halong matinding kabayaran ang kwento na hatid ng Tadhana ngayong Sabado.

Tampok sa two-part story sina Jak Roberto, Almira Muhlach, Bench Hipolito, Coleen Paz, Nico Locco, action star Jeric Raval at ang mga bida na sina Bianca Umali and Rita Daniela na gaganap bilang mag-half sisters na nagtatalo dahil sa utang na namana nila sa kanilang yumaong ama.

Kwento ni Bianca sa isang live stream mula sa Tadhana Facebook page, "Siguro ang dapat abangan sa character ko rito, is kung paano babaliktad nang babaliktad 'yung buhay niya.

"Natuwa ako sa range at ganda ng kwento, ang sarap i-arte nung character na ibinigay sa akin.

"Kung ide-describe ko 'yung story, [it's about] revenge, kabayaran."

Umani na ng mahigit 2.4 million views ang trailer ng episode na pinamagatang Tadhana: Kabayaran Part 1.

Dito, ipinakita ang pasilip sa kwento ng buhay ni Joy (Bianca Umali) na may pangarap na matanggap siya ng pamilya ng kanyang ama na si Danilo (Jeric Raval).

Noong yumao ang kanyang ama, naging reyna-reynahan na ang kanyang stepmother na si Hilda (Almira Muhlach) at half-sister na si Celine (Rita Daniela).

Pero imbes na mabuo ang pangarap ni Joy, nasira pa ito lalo dahil inilagay siya sa pahamak nina Hilda at Celine.

Makalipas ang dalawang taon, babalik si Joy upang maningil! Ano ang hihingin niyang kabayaran?

Samahan sina Primetime Queen Marian Rivera sa #Tadhana4thAnniversary: "Kabayaran" ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!