GMA Logo Rita Daniela at Ken Chan
What's on TV

Rita Daniela at Ken Chan, ikinuwento kung paano naibalik ang kanilang friendship

Published February 10, 2024 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA All-Star: Keshad Johnson wins dunk contest; Damian Lillard wins 3rd 3-point contest
Francis Libiran spotlights signature designs in new home collection
Young Negrense swimmers excel at Bangkok swim championship

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela at Ken Chan


Inamin nina Rita Daniela at Ken Chan na isang taon silang hindi nag-usap. Alamin ang kanilang kuwento rito:

Sa pagbisita nina Ken Chan at Rita Daniela sa Sarap, 'Di Ba? ay ikinuwento nila kung paano naganap ang aminan ng feelings sa isa't isa, ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at pagbabalik ng maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

Ayon kay Rita, pinaghandaan niya ang pagsabi ng nararamdaman niya para kay Ken.

"Gumastos ako, Ms. Mina (Carmina Villaroel). Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang naka-reserve that day so sa amin 'yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula tapos may naka-set up na picnic."

Dugtong ni Ken ang sumunod na nangyari sa pag-amin ni Rita.

"Through letters, tapos 'yung sulat sobrang liliit, tapos binasa niya sa harap ko while she's crying."

Inamin ng dalawa na mahal nila ang isa't isa pero pinili raw ni Ken na hindi mapunta sa relasyon ang kanilang samahan.

"Ang sabi ko, thank you. But I'm sorry."

Dugtong pa ni Ken, ginawa niya ito para hindi masaktan si Rita. "I was not ready. I was starting my businesses. Sabi ko sa kaniya, hindi pa ako handa. Kasi kung magsisinungaling, sige let's do this, and I am not ready, mas lalo ko siyang masasaktan.

RELATED GALLERY: Ken Chan and Rita Daniela's sweet reunion at the 'Queendom: Live' concert


Itinanong naman ni Carmina kay Rita, "Hearing those words, mas gusto mo ba 'yung honesty niya or sana binigyan mo ako ng chance?"

Diretsong sagot ni Rita, "May part na ganoon, may part na kahit triny lang ng kaunti, hanggang saan aabot. At least nagawa kaysa marami kang what ifs."

Sunod na itinanong ni Carmina ay kung paano nanatili ang friendship nina Ken at Rita.

Pag-amin ng dalawa, may isang taon silang hindi nag-usap bago mabalik ang kanilang friendship.

Saad ni Rita, "It really took us time bago kami maging ganito ulit na nakakapag-usap kami, na puwede kami magtabi."