
Naging mala Boys Love ang tema ng "Sana All: Hugot from the Heart" nitong nakaraang episode ng All-Out Sundays dahil sa letter sender na nagtago sa pangalang "Vincent," 19 years old, mula sa Quezon City.
Kuwento ni Vincent sa AyOs, "Sabi nila cute raw ako, magaling pumorma, at hindi naman sa pagyayabang pero medyo lapitin ako ng mga girls. May barkada po ako, si Andrew. Same age po kami at batchmates. Parehas na basketball varsity players."
Madalas daw magkita at maglaro ng online games ang dalawa kaya naging magkalapit ito.
Naging diretso si Vincent sa kanyang pag-amin sa liham. "Ang hindi alam ni Andrew ay unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kaniya. Opo, I am bisexual."
"I had girlfriends before pero mas matibay na po ang nararamdaman ko ngayon sa kapwa ko lalaki.
"I can't explain my feelings kapag pinagmamasdan ko siya."
Kalaunan ay umamin na rin si Vincent kay Andrew sa kaniyang nararamdaman. "Hindi ko na po ma-control ang nararamdaman ko kaya minsan after our online games, ipinagtapat ko na sa kanya na bisexual ako."
"Medyo natulala si Andrew pero sabi niya okay lang daw 'yun at naiiintindihan niya ako.
"Pero hindi lang iyon ang ipinagtapat ko sa kaniya, I had to ask this question, 'Pare, magagalit ka ba kung sasabihin ko na may feelings ako for you?'
"Hindi sumagot si Andrew at iniba ang usapan.
Kasalukuyang hindi na alam ni Vincent kung paano lulugar kay Andrew, "Hindi ko alam kung anong gagawin nung magkita kami, may ilangan na sa aming dalawa. Galit ba siya? Ayaw niya na ba akong maging kaibigan? Mali bang ipagtapat ko ang tunay kong kulay at nararamdaman. Sana all kayang magkimkim. Sana all, puwedeng ilihim."
Ano kaya ang naging payo nina Rita Daniela at Ken Chan kay Vincent? Panoorin sa video ng All-Out Sundays sa taas.