
Nominado sina Kapuso stars Rita Daniela at Ken Chan sa 33rd Awit Awards na kinabibilangan ng iba pang Kapuso singers tulad nina Julie Anne San Jose, Golden Cañedo, Garett Bolden at Anthony Rosaldo at marami pang iba.
Ayon kay Rita, malaki ang pasasalamat niya sa naturang pagkilala.
“Nahihiya ako na parang nao-overwhelm din kasi sobrang nakakatuwa para ma-notice ng jury 'yung craft namin,” aniya,
Samantala, dati nang inamin ng singer-actress ang naramdaman niyang anxiety sa gitna ng pandemic, lalo na noong unang buwan ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Pero naibsan ang kanyang nararamdamang lungkot dahil sa paggawa niya ng YouTube content habang nakapirmi sa bahay.
“'Yung pag-eedit kasi sa totoo lang, ako lahat 'yung gumagawa. Ako 'yung nagsu-shoot, ako 'yung nagse-set up, ako rin 'yung nag-e-edit. Parang na-feel ko na may trabaho ako ulit. May ginagawa ako, nalilibang ako. Kumabaga, mayroon akong nilu-look forward everyday,” aniya.
Kamakailan nga, kinagiliwan ng netizens at nag-trending ang vlog na kasama niya ang ka-loveteam na si Ken Chan kung saan sila nagkaroon ng heart-to-heart talk.
Napag-usapan sa episode ilang mga personal topics gaya ng dating.
Panoorin ang video na ito:
Rita Daniela shares quarantine realization, "You really can't have it all"