GMA Logo Rita Daniela M Zhayt Ilaban Natin Yan
What's Hot

Rita Daniela at M Zhayt, nag-collab para sa theme song ng Ilaban Natin 'Yan

By Racquel Quieta
Published February 20, 2020 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela M Zhayt Ilaban Natin Yan


Tingnan ang behind-the-scenes photos ng kanilang recording session DITO:

Nagsanib-puwersa si Kapuso star Rita Daniela at rapper na si M Zhayt para sa theme song ng bagong programa ni Vicky Morales na Ilaban Natin 'Yan.

Parehong masaya sina Rita at M Zhayt nang mapili silang umawit ng theme song ng Ilaban natin 'Yan.

Ani Rita, “Of course, I'm very happy! Of all the great singers of GMA now, ako po ang napili. I feel so blessed kaya naman I won't disappoint them.”

Ayon naman kay M Zhayt, "[I am] so proud and so thankful, lalo na po sa pagtitiwala sa akin kahit maraming rapper sa 'Pinas.”

Samantala, natanong din sina Rita at M Zhayt kung minsan na nilang nasabi ang katagang “Ilaban natin 'yan!” sa kanilang buhay.

Sagot ni Rita, “Maraming beses po! Ganun po talaga siguro sa totoong buhay, kailangan maging palaban.”

Ganito rin ang naging tugon ni M Zhayt, “Yes! Always! Araw-araw kong sinasabi dahil araw-araw ay panibagong journey.”

Ang theme song ng Ilaban Natin 'Yan ay sinulat ni Rina May Mercado at prinodyus ng Post Music. Inirekord na ito nina Rita at M Zhayt noong Lunes, February 17.