
Noong nakaraang buwan ng Disyembre, masayang ipinagdiwang ni Rita Daniela at ng kanyang pamilya ang first birthday ng kanyang anak na si Juan “Uno” Rafael.
Kamakailan lang, nakapanayam ng GMANetwork.com si Rita sa story conference ng upcoming GMA series na Widows' War.
Sa exclusive interview, proud na ibinahagi ng singer-actress na masayang-masaya ang kanyang motherhood journey.
“I'm very very happy. I love being a mom. I'm really blessed na Uno is sobrang bait and sobrang energetic na bata. Very ano siya… attentive and I think extrovert siya or ambivert like me,” pahayag ni Rita.
“Super na-e-enjoy ko 'yung mother moments,” dagdag pa ng celebrity mom.
Kasunod nito, inamin niya na kinakabahan siya kung paano niya i-a-adjust ang kanyang schedule ngayong magiging abala siya sa tapings ng kanyang bagong proyekto.
Sabi niya, “In a way, excited din ako and kinakabahan. Now that I'm part of a new serye siyempre, there would be times na I have to leave him for work, part din ng pagiging mother ko. Let's see kung paano ako but I am just happy right now as a mom.”
Abangan ang role ni Rita sa 2024 murder mystery series na Widows' War.