
Isa si Rita Daniela sa mga Kapuso na naimbitihang mag-guest sa noontime show na It's Showtime.
Kamakailan lang, napanood si Rita bilang guest judge sa segment ng show na Tawag Ng Tanghalan Kids.
Matapos ipakilala ng ilang It's Showtime hosts, nasorpresa ang lahat nang bumirit si Rita upang ipaabot ang kanyang pagbati sa madlang people at madlang Kapuso.
Ang gimik ng singer-actress na isa ring celebrity mom ay labis na tumatak sa viewers at netizens.
Ilan sa kanila ay pinuri ang talento ng kanilang idol habang ang ilan naman ay hinangaan ang kanyang pagiging hurado sa TNT Kids.
Narito ang ilang reaksyon at komento ng netizens tungkol kay Rita:
Samantala, ngayong 2024, mapapanood si Rita sa GMA's upcoming murder mystery drama series na Widows' War.
Makakasama niya sa serye ang Kapuso actresses na sina Bea Alonzo, Carla Abellana, at iba pang mahuhusay na aktor.