GMA Logo Rita Daniela, Its Showtime
Courtesy: It’s Showtime
What's on TV

Rita Daniela, napabilib ang viewers ng 'EXpecially For You' sa kanyang performance

By EJ Chua
Published May 14, 2024 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela, Its Showtime


Muling napahanga ng singer at 'Widows' War' star na si Rita Daniela ang viewers ng 'It's Showtime.'

Nito lamang Martes, May 14, muling napanood sa noontime show na It's Showtime ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.

Bago ang pagpapakilala sa featured guest sa segment ng show na “EXpecially For You,” natunghayan ng viewers ang napakahusay na pagkanta ni Rita.

Ang inawit ng Kapuso star ay ang kanta ni Moira Dela Torre na “Tagu-taguan.”

Matapos ang kanyang performance, napa-react ang It's Showtime hosts na sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, at Vhong Navarro.

Ayon kay Anne, napakaganda talaga ng boses ni Rita.

Bukod dito, nabanggit pa ni Anne na ka-boses umano nito ang kumanta ng “Never Enough” na si Loren Allred.

Kasunod ng naging reaksyon ni Anne ay ang pagsang-ayon ng kanyang co-hosts sa kanyang papuri sa Kapuso star.

Courtesy: It's Showtime

Hindi lang hosts ang humanga sa kanya kundi pati na rin ang viewers ng show at ang netizens.

Matatandaan na bago ang kanyang naging performance, una nang naimbitahan si Rita bilang hurado sa segment ng It's Showtime na “Tawag Ng Tanghalan Kids.”

Samantala, kabilang si Rita sa star-studded cast ng upcoming GMA murder mystery drama series na Widows' War.

Related gallery: Widows' War's star-studded cast meet at its story conference