Celebrity Life

Rita Daniela, pangarap na libutin ang mundo pagkatapos ng pandemic

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 30, 2021 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan and Rita Daniela


Ano naman kaya ang gagawin ni Ken Chan pagkatapos ng COVID-19 pandemic? Alamin DITO:

"When this is all over, for sure, I'll travel around, well kung kaya, around the world."

Ito ang pangako ng aktres na si Rita Daniela sa kanyang sariling kapag matapos na COVID-19 pandemic.

Ayon kay Rita, kung hindi around the world ay paniguradong iikutin niya ang buong Pilipinas kapag puwede na.

"For definitely, siyempre, gusto ko talaga na i-tour pa rin 'yung buong Pilipinas kasi I know na sobrang ganda talaga ng Pilipinas."

Dagdag ni Rita, hilig nila ng kanyang mga kaibigan na pumunta sa mga lugar na hindi pa masyadong dinadayo ng mga tao.

"I really miss going out and traveling with my friends kasi mahilig kami talaga sa dagat so talagang naghahanap kami ng kasuluksulukan, pinakadulo ng mga dagat dito sa Pilipinas at tinitingnan namin 'yun, pinupuntahan namin 'yun.

"And even we try their food and we really, really want to see how they cook their food.

"Thing ko talaga 'yun na umikot, na mag-travel with the people that I love."

Para naman sa ka-love team ni Rita sa Ang Dalawang Ikaw na si Ken Chan, maituturing niyang "perfect" ang kanyang bakasyon kapag kasama niya ang kanyang pamilya.

Aniya, "For me, my perfect summer vacation, three things: first, as long as you're with your whole family."

"Siyempre maganda 'yung sama-sama kayong pamilya. Especially sa panahon ngayon, dito mo ma-a-appreciate 'yung quality time with your whole family.

"Second, boodle fight. Hilig naming pamilya namin 'yan, buong pamilya namin hilig namin kumain sa dahon ng saging, nakakamay.

"Third is 'yung water activities. Hilig kasi namin, buong family namin, hilig namin 'yung mga water activities, e.

"So as long as may pool d'yan, o kaya may spring, o kaya batis, ayan, hindi mawawala sa family namin 'yan."

Binalikan rin nina Ken at Rita kung ano ang kanilang kanilang paboritong summer destination! Alamin ang sagot sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load, pumunta DITO.

Tingnan ang kilig moments nina Ken at Rita sa gallery na ito: