
Masaya ang celebrity mom na si Rita Daniela na muling makita at makasama ang mga kaibigan sa showbiz nang dumalo siya sa GMA Gala 2023 kamakailan.
Matatandaan na buntis noon si Rita sa first baby niyang si Uno nang rumampa siya sa GMA Thanksgiving Gala noong nakaraang taon.
Sa panayam ni Rita sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang saya na muling makabalik sa isang showbiz event.
Aniya, “I'm just actually happy to be back. Ang saya makita my colleagues again.”
Masaya ring ipinaalam ng singer-actress na may bago siyang album na ilalabas bago matapos ang 2023.
“Hopefully before the year ends, ma-release ko na 'yung album ko ulit so isa 'yun sa mga aabangan nila sa akin,” ani Rita.
Nang tanungin kung siya ay magbabalik-acting na rin, ito ang kanyang sinabi. “Sa acting roles, definitely I will act again. Waiting lang ako kung ano 'yung interesting na gawin ko for my next project.”
Matatandaan na sinabi rin ni Rita sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na priority niya rin ngayon ang pagiging ina kay Uno habang tuloy pa rin ang co-parenting nila ng kanyang non-showbiz ex-partner.
SILIPIN ANG BREATHTAKING PHOTOS NI RITA DANIELA SA GALLERY NA ITO: