GMA Logo Rita Daniela
What's Hot

Rita Daniela, thankful sa 1M followers sa Facebook

By Jansen Ramos
Published July 21, 2021 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela


"Thanks to all the peeps who loves me on Facebook" - Rita Daniela

Mas lumaki ang fanbase ni Rita Daniela dahil sa GMA Afternoon Prime series nila ni Ken Chan na Ang Dalawang Ikaw.

Patunay diyan ang paglago ng followers ng aktres sa Facebook.

Sa Instagram post niya noong July 16, nagpasalamat si Rita sa kanyang one million followers sa popular social networking site.

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


"Happy 1M

Sharing some of my cuteness (waaaw) just swipe left🤪

Thanks to all the peeps who loves me on Facebook," sulat ni Rita sa caption, kalakip ang ilan niyang cute photos.

Kinongratulate naman si Rita ng kanyang Ang Dalawang Ikaw leading man na si Ken sa kanyang online milestone.

Samantala, patindi nang patindi ang mga eksena nina Rita at Ken sa Ang Dalawang Ikaw.

Sa episode ng serye ngayong Miyerkules, July 21, mapapansin ni Mia (Rita) ang kakaibang kilos ni Nelson (Ken).

Kutob ni Mia, nagpapanggap lamang si Nelson bilang Tyler, ang alter personality ng mister, para makakuha ng mga importanteng dokumento. Aakitin din ni Tyler si Mia para makuha niya ang loob nito.

Ibalik kaya ni Mia si Tyler sa asawa nitong si Beatrice (Anna Vicente) kapag napatunayan ang pagkukunwari ng lalaki? O hahayaan na lang niyang bumalik ang mister sa orihinal nitong persona?

Tutukan 'yan ngayong Miyerkules pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA, at ipakita ang inyong suporta sa Twitter at gamitin ang official hashtag na #ADIKutobNiMia.

Samantala, tingnan dito ang ilang sweet moments nina Ken at Rita sa Ang Dalawang Ikaw: