Article Inside Page
Showbiz News
Inabot ng halos pitong buwan ang Afternoon Prime show na 'Villa Quintana' bago pa ito magtapos sa susunod na linggo. Ayon kay Rita de Guzman, habang papalapit na ang pagwawakas ng show ay lalo niyang nami-miss ang pumanaw na co-star na si Roy Alvarez.

Inabot ng halos pitong buwan ang Afternoon Prime show na
Villa Quintana bago pa ito magtapos sa susunod na linggo. Ayon kay Rita de Guzman, habang papalapit na ang pagwawakas ng show ay lalo niyang nami-miss ang pumanaw na co-star na si Roy Alvarez.
Kuwento ni Rita, masaya raw siya na nakabilang siya sa show na ito. Umpisa pa lamang daw ng
Villa Quintana ay nagulat na siya dahil nakalagay sa kontrata na mahaba-habang taping days ang pagdaraanan nila.
"Actually 'yung first pa lang na sinabi sa 'min, 'yung sa contract na originally six months. For me that was wow! Parang nakita ko na malayo 'yung mararating ng show kasi hindi naman sa lahat ng shows ng GMA, nabibigyan ng six months na agad," saad ni Rita.
Dagdag pa ni Rita, lalo pa raw siyang nag-enjoy sa show dahil na-extend pa ito dahil sa mataas na ratings. Aniya, "Siyempre hindi natin inaasahan kung ma-extend man siya o hindi. Matagal na rin kasi, that's six months. 'Yon, masaya tapos na-extend ng na-extend ng na-extend."
Ayon kay Rita, kahit na masaya siya dahil successful ang show, hindi pa rin daw niya maiwasang malungkot dahil nami-miss niya si Roy. "I'm really happy din kasi isa 'to sa gustong-gusto ni Tito Roy. Gustong-gusto niyang ma-extend 'yung show and everytime na malalaman niyang na-extend 'yung show, sobrang siyang masaya," anang aktres.
Dagdag niya, "Marami siyang (Roy) pinaplano for the show, for himself, and sa iba."
Kuwento ni Rita, si Roy daw ang pinaka-close niya sa lahat ng co-stars niya sa
Villa Quintana bago ito pumanaw. "I'm really close to Tito Roy and ever since na nag-start 'yung show , kami talaga 'yung magka-vibes," aniya.
"Nakakatuwa kasi 'di ba sina Janine and Elmo 'yung kasing edad ko, so siyempre i-expect niyo na sila 'yung ka-chika ko. Pero no! Si Tito Roy talaga ever since," kuwento ni Rita.
Ano ba ang nami-miss ni Rita kay Roy? "Siguro everytime we talk at mga 2 a.m. Mga ganoon, kasi sobrang interesting 'yung mga napag-uusapan namin kapag ganoong oras. Siguro kasi 'di ba, mas malawak 'yung pag-iisip kasi kaya mas masaya 'yung chikahan kapag ganoong oras. Ang dami namin napag-uusapan sa future man, sa past, sa lahat. 'Yon na 'yung tine-treasure ko talaga," sagot niya.
Patuloy na subaybayan si Rita de Guzman sa huling dalawang linggo ng
Villa Quintana, weekdays after
Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.
-Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com