
Ngayong Martes, October 31, isang magandang balita ang ibinahagi ni Rita Gaviola na nakilala noon bilang si “Badjao Girl.”
Sa Instagram, ibinahagi ni Rita na siya ay engaged na sa kanyang non-showbiz partner.
Makikita sa kanyang IG post na nakaluhod ang kanyang boyfriend habang may hawak na box kung saan nakalagay ang singsing.
Ayon naman sa caption ni Rita, “This is it.”
Kasunod nito, bumuhos ang pagbati ng netizens para kay Rita at sa kanyang partner na ama rin ng kanyang anak.
Matatandaang 2022 nang kumpirmahin ni Rita na isa na siyang ina.
Nito lamang May 2023, proud na ibinahagi ng internet personality nakapagtapos na siya ng senior high school.
Unang nakilala si Rita bilang “Badjao Girl,” matapos mag-viral ang kaniyang mga naggagandahang larawan sa social media.
Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.