
Ibinahagi ni Rita "Badjao Girl" Gaviola ang isang recruitment scam na naranasan niya kamakailan.
Sa kanyang Facebook account, ipinakita niya ang ilang chat messages niya at ng isang taong nagpapakilala bilang recruiter ng mga modelo at artista.
Image Source: itsritagaviola (IG)
Inalok ng indibidwal si Rita na bumalik sa showbiz o kaya pumasok sa pagmo-modelo.
Humingi ito ng litrato at tinanong kung mahusay ba si Rita sa pagsasalita ng Ingles.
Tila normal pa ang usapan dahil karaniwan namang hinahanapan ng portfolio ang mga aspiring models at artista.
Pero kinutuban na si Rita nang sabihin ng kausap na picture ng kanyang dibdib ang hinihingi nito.
Lalo pa siyang nagduda nang sabihin ng kausap na dapat walang suot na pang-itaas at underwear sa litratong kukunin.
Para daw ito maging "basis" ng mga damit na ipapasuot sa kanya.
Tumanggi si Rita pero pilit pa ring kinukumbinsi ng kausap niya.
"For awareness to everyone: Wag na wag kayong maniniwala sa mga ganitong offer na kesyo gusto mo maging artist tapos ganyan yung ipapagawa sainyo It's a BIG NO!," sulat ni Rita sa kanyang post kalakip ang ilang screenshots ng kanilang chat.
Idiniin ni Rita na hindi niya ipagpapalit ang dignidad para sa pera.
"Kahit papaano naman may alam ako sa showbiz and never pa'ko nakakausap ng kagaya neto grabe ang lala akala niya yata is Masisilaw ako sa offer na ganyan, pera is pera pero yung dignity ko never ko ibibigay yan dahil lang sa ganyan na presyo, sana wala ng ma victim to!!" aniya.
"At isa pa Nakausap na daw niya ang Handler ko which is yung Mamamahan ko pero nung Nakausap ko siya never sila nag usap at isa pa hindi ganyan ang tamang pag offer jusmio ka!!" dagdag ni Rita sa comments.
Noong nakaraang buwan lang, nagbabala rin ang aktres na si Angelica Panganiban tungkol sa isang online scam na gumagamit ng kanyang pangalan.
Bukod kay Angelica, silipin ang iba pang celebrities na nagamit ang pangalan sa mga scams.