
Matapos maging usap-usapan sa social media dahil sa rebelasyon na isa na siyang ina, nananatiling matatag at masaya si Rita Gaviola a.k.a. Badjao Girl hindi lang para sa kanyang sarili ngunit para rin sa kanyang sariling pamilya.
Nito lamang Sabado, August 13, isang larawan ang ibinahagi ni Rita sa Instagram kung saan makikitang kasama niya ang kanyang boyfriend na ama rin ng kanyang anak na si baby Kiana.
Kakabit ng larawan ay ang sweet message ni Rita para sa kanyang non-showbiz partner.
Ayon sa kanyang caption, “Thank you for everything. First of all, hindi mo kami pinapabayaan ni Kiana sa lahat ng bagay ikaw 'yung number one fan ko sa lahat ng bagay kahit alam ko pagod ka sa work hindi mo pa rin kami sinusukuan sa lahat I love you [heart emoji].”
Kamakailan lang, nagulat ang marami nang ibahagi ng tinaguriang 'Badjao Girl' ang isang larawan na nagpapatunay na isa na siyang ganap na ina.
Kasunod nito, nagbabala naman siya sa kanyang bashers at sa mga taong nadismaya raw sa nangyari sa kanya.
Matatandaang unang nakilala si Rita bilang 'Badjao Girl' matapos mag-viral ang kanyang mga naggagandahang larawan sa social media.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STUNNING PHOTOS NI RITA GAVIOLA SA GALLERY SA IBABA: